62 gitgitan sa ICTSI JPGT Match Play Finals sa The Country Club

Karamihan sa mga batang golfer, napakahirap ang hatid na hamon ng The Country Club. Pero para sa ilan, nasisilip itong tamang palaruan para maagang masukat ang kanilang kakayahan sa karera.

Matitikman ng 62 players sa ICTSI (International Container Terminal Services, Inc.) Junior Philippine Golf Tour Match Play Finals na hinugot mula sa nakakapagod na limang buwang nationwide series, ang prestihiyong course ngayon (Martes) sa official practice round.

Kilala ang TCC na nasa Sta. Rosa, Laguna sa mapaghamong layout at sa reputasyong isa sa mahihirap na championship courses sa bansa, mapipiga ang mga batang competitor hanggang sa dulo.

Opisyal na sisiklab ang kompetisyon sa Miyerkoles (Oct. 2) sa 18-hole stroke play round para mabatid ang rankings ng players patungo sa head-to-head match play battles. Sisimulan ng mga golfer sa 13-15 at 16-18 categories ang 18-hole match play duels sa hapon.

Sasambulat naman ang quarterfinal matches sa lahat ng age divisions, kabilang ang 8-9 at 10-12 categories sa Huwebes (Oct. 3), samantalang ang semifinals, finals at third-place playoffs susulong sa Biyernes (Oct. 4).

The post 62 gitgitan sa ICTSI JPGT Match Play Finals sa The Country Club first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments