Kim Ji-Soo hindi kanselado sa ‘Pinas

Sunud-sunod ang acting project ng Oppa na si Kim Ji-Soo. Matatandaan na una siyang napanood sa GMA Network action drama series na ‘Black Rider,’ kung saan marami ang bumilib sa kanyang pagganap bilang Adrian Park.

Naging Red Carpet Scene Stealer Awardee rin siya sa GMA Gala 2024.

Malapit na ring ipalabas ang kanyang kauna-unahang Filipino movie na “Mujigae” kasama sina Rufa Mae Quinto, Alexa Ilacad, Lito Pimentel, at marami pang iba.

Hindi lang sa TV at pelikula makikita si Kim Ji-Soo dahil kamakailan lamang ay inilabas na ang ilang episode ng kaniyang YouTube vlog na ‘Jisoo Road’ at naging active rin siya sa TikTok para mas lalo pang mapalapit sa kanyang fans.

Dahil sa init ng suporta ng mga fan sa Kapuso Oppa ay ipinagpapatuloy niya ang kanyang career sa bansa sa kabila ng mga isyung hinarap niya simula pa noong 2021.
Paglilinaw ng South Korean actor, nakausap at nakipag-ayos na siya sa mga taong involved sa school violence issue habang wala namang katotohanan ang alegasyong sexual assault.

Nananatiling focus at determinado si Kim Ji-Soo sa kanyang career at nagpapasalamat siya sa kanyang mga tagahanga.
Aniya, “I am truly grateful for the opportunities I’ve had here. The support from my Filipino fans has been overwhelming, and there is so much more I want to accomplish.”

Kinakikiligan naman ngayon ang tambalan nila ni Kapuso actress Jillian Ward nang mapabilang siya sa top-rating GMA Afternoon Prime series na ‘Abot-Kamay Na Pangarap’ bilang si Doc Kim Young. Kamakailan ay ibinahagi ng Korean actor na mas relax at komportable na siya sa set sa tulong na rin ni Jillian.

In na in sa ‘Pinas si Kim Ji-Soo at hindi siya kanselado. (Roldan Castro)

The post Kim Ji-Soo hindi kanselado sa ‘Pinas first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments