Donny, Jameson magkasabwat sa ‘panloloko’ kay Belle

Nag-uumapaw na kilig ang handog nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa inaabangang Viu original series na “How to Spot a Red Flag” mula sa partnership ng ABS-CBN at Viu. Ito ay sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment.

Matapos ma-excite ang mga fan sa teaser na pinost online, opisyal nang inanunsyo ng DonBelle ang title at logo ng serye sa isang story conference at script reading.

Makakasama sa light romantic drama sina Jameson Blake, Angel Aquino, Christian Vasquez, Benjie Paras, Mylene Dizon, Esnyr, at Kira Balinger. Pangungunahan ito ng batikang direktor na si Dwein Baltazar.

Iikot ang kwento ng “How to Spot a Red Flag” sa isang matapang na barista (Belle) na mahuhumaling sa isang aroganteng bad boy (Jameson) at sa isang cute na good boy (Donny). Makakahanap pa kaya siya ng real love kapag nalaman niyang magkasabwat pala ang dalawang lalake sa panloloko sa kanya?

Ang “How to Spot a Red Flag” ay ang unang Viu original series na local na gagawin ng ABS-CBN at Viu pagkatapos ng matagumpay nilang partnerships para sa mga Philippine adaptations na “The Broken Marriage Vow,” “Flower of Evil,” at “What’s Wrong with Secretary Kim.”

Abangan ang DonBelle sa “How to Spot a Red Flag” na mapapanood soon sa Viu. (Roldan Castro)

The post Donny, Jameson magkasabwat sa ‘panloloko’ kay Belle first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments