Nais ipa-update ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang flood maps sa Pilipinas.
Ayon kay Marcos, mahalaga na ma-update ang mapa dahil nagbabago na ang agos ng tubig-baha sa mga nakalipas na panahon.
“What we’re going to have to do here is we’re going to have to really look and see what are the changes that have happened,” ani Marcos sa isinagawang situation briefing sa Antipolo City na isa sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Enteng.
Ipinunto rin ng Pangulo ang ilang lugar sa Metro Manila na dati ay hindi binabaha ngunit lumubog nang manalasa ang Bagyong Carina.
“Like in the case of Carina in Metro Manila, they were very distinct, there were identifiable causes why they haven’t had that flooding for 15 years but they now did,” ani Pangulong Marcos.
Maaaring nababarahan na rin aniya ang mga daluyan ng tubig dahil sa patuloy na urbanisasyon dulot ng pagdami ng mga proyektong pabahay.
Maraming itinatayong pabahay sa lalawigan ng Rizal, ayon sa DENR, kaya hinala ng Pangulo na ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng malawakang pagbaha.
Binigyang-diin ng Pangulo na kailangan ngayon ng pamahalaan ng “large-scale, long-term plan” para sa flood control program. (Vincent Pagaduan)
The post PBBM pina-update sa DENR mapa ng mga binabahang lugar first appeared on Abante Tonite.
0 Comments