Suspek sa inambus na police chief kinalawit

Timbog sa mga awtoridad ang isa sa itinuturong responsable sa nangyaring pananambang sa dating hepe ng Ampatuan Municipal Police Station sa lalawigan ng Maguindanao.

Kinilala ni Maguindanao del Sur Police Provincial Director Colonel Roel Sermese, ang naaresto na si Salah Tunda, Top 7 at Top 9 most wanted person at kasapi ng Dawlah Islamiya – Hassan Group.

Si Tunda ay may kinakaharap na kasong murder at double frustrated murder na inisyu ng korte.

Matatandaang noong August 30, 2022, maghahain sana ng warrant of arrest ang grupo ni Lt. Reynaldo Samson nang tambangan ang grupo nito sa bahagi ng Barangay Kapinpilan.

Dead on the spot si Samson at driver nito habang sugatan ang tatlong mga kasama nilang pulis.

Noong 2023, napatay ang field commander ng BIFF-Karialan Faction na si Boy Jacket na kasama rin sa itinuturong responsable sa nangyaring ambush. (Jun Mendoza)

The post Suspek sa inambus na police chief kinalawit first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments