Baka masayang ang boto

Usap-usapan pa rin sa Taguig City ang pagtakbong congressman sa District 1 ni Lino Cayetano, kapatid ni Senador Alan Peter Cayetano.

Dangan kasi ay huli itong naging kinatawan ng ikalawang distrito ng lungsod.

Kaya laking pagtataka ng mga taga-District 1 kung bakit ito napadpad sa kanilang distrito.

Wala raw kasing bakas na mula ito sa District 1, lalo na kung sisipatin umano ang kanyang social media page gaya ng Facebook at Instagram.

Mapapansin, ayon sa ilang tubong taga-District 1 na nakatira ito sa District 2 partikular sa sosyal na BGC Fort Bonifacio dahil halos lahat ng kakilala niya ay alam na dito siya nakatira matagal na, taliwas sa sinasabi niyang subdibisyon sa District 1.

Inamin na rin ng utol ni Sen. Alan Peter sa hearing ng Election Registration Board na bumoto siya sa nakaraang barangay election sa Barangay Fort Bonifacio na nasa District 2.

So, ano ba talaga ex-Cong. Lino, saan ba talaga haybol mo?

Kung hindi man ito si ex-Cong Lino ay talagang magtataka ang mga lehitimong taga-District 1 kung basta na lamang may bubulaga sa kanilang magpi-prisintang kanilang kinatawan.

Para kilalanin ng mga kalugar, dapat

talagang tunay kang residente. Kung hindi man ay dapat ay nasunod mo ang itinatakdang residency period na itinatakda ng Commission on Elections (Comelec) para maiwasan ang diskuwalipikasyon.

Sayang naman ang itatayang boto sa inyo kung sa bandang huli ay magkakaproblema lang.

Pero higit sa anupaman ay kailangan nang umaksyon sa lalong madaling panahon ng Comelec sa ganitong mga isyu para malaman ng mga Taguigeño kung legal at tama ang paglipat at pagtakbo ni Lino Cayetano sa District 1.

Makiki-Marisol lang, ano kaya

ang puno’t dulo ng paglipat ng Distrito ni ex-Cong. Lino?

Lino?

***

Tuluy-tuloy nga pala ang mga aktibidad ng National Press Club of the Philippines na magdiriwang ng ika-72 taong anibersaryo sa Martes, Oktubre 28, 2024 sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Boying Abasola.

Nagsimula ito sa pagpapasinaya sa bagong elevator ng NPC building na naitaguyod sa suporta ng ating kapatid sa pamamahayag na ngayon ay ACT-CIS Rep. ErwinTulfo.

Sinundan ito ng iba’t ibang aktibidad na dinaluhan ng mga lifetime member at dating mga opisyal ng NPC sa pangunguna nina Atty. Ric Valmonte, Ka Celo Lagmay, Al Pedroche at marami pang iba.

Sa mga miyembro ng NPC kita-kits!

The post Baka masayang ang boto first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments