Bato Dela Rosa mas tagilid sa arrest warrant `pag dinedma ICC

Mas makabubuti para kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa kung makikipag-ugnayan sa “summons” o patawag sa kanya ng International Criminal Court (ICC) kaysa balewalain lamang ito.

Ayon kay ICC assistant to counsel Atty. Kristina Conti, namumurong maglabas ng arrest warrant ang international tribunal kapag hindi tumugon si Dela Rosa sa mga imbitasyon sa kanya kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon ng ICC sa “war on drugs” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam sa Dateline Philippines ng ABS-CBN News Channel, nilinaw ni Conti ang pagkakaiba sa summons at arrest warrant ng ICC.

“It’s a request for an interview. It’s essentially a summons rather than a warrant of arrest. In the summons they are invited to speak before the court or rather to investigators of the court,” sabi ni Conti.

Aniya, ang magiging pag-uusap o panayam ng ICC investigators ay ire-record alinsunod sa mga alituntunin ng ICC, at maaari rin itong gawing virtual o online interview.

“These discussions, this interview will be recorded according to the rules of procedure of the ICC. It could be done, as I understand even virtually at his point, there are mechanisms for online taking of this so-called deposition. Although we cannot say that officially yet because a deposition can be taken as evidence,” paliwanag ni Conti.

Sa mga ganitong imbestigasyon ng ICC aniya binibigyan ng pagkakataon ang isang akusado o suspek para ipahayag ang kanilang panig at magbigay ng paglilinaw.

Paalala pa ni Conti kay Dela Rosa na dapat suriin nitong mabuti ang sulat sa kanya dahil dapat na nakapangalan ito sa Office of the Prosecutor ng ICC.

“It’s just a letter that could come to him either by mail or by email as he has said. It may come from a different email address considering the circumstances the ICC has taken efforts to use encrypted email domains rather than just regular email addresses,” ani Conti.

Babala pa niya sa senador na huwag balewalain ang imbitasyon sa kanya sakaling makatanggap ng komunikasyon mula sa ICC.

“The significance of ignoring, rather the consequences of ignoring summons is very adverse for Senator Bato. If he ignores such, he may be the subject of a warrant of arrest the next time the ICC communicates with him. And so it’s up to him whether to consider communicating back and clarifying and authenticating the communications that have been made,” ayon pa kay Conti.

Ibinunyag kamakailan ni Dela Rosa na nakatanggap siya ng interview request mula sa ICC pero binalewala umano niya ito.

“May nag-contact sa opisina pero in-ignore man namin dahil alam man namin na wala silang jurisdiction sa atin. May nagko-contact sa opisina ko pero in-ignore namin. Hindi namin kinausap,” pahayag ni Dela Rosa sa isang press conference matapos maghain ng Certificate of Candidacy para 2025 senatorial election.

“Hindi namin pinatulan baka mamaya mga gago-gago lang `yun na mga tao na sumasakay sa issue no… naggawa ng pangalan na kunwari European daw sila na gusto mag-interview sa akin. Sabay-sabay eh nung pagsabi ni [ex Sen. Sonny] Trillanes ng issue na `yan meron nagtawag-tawag sa amin, ang sabi ko `wag n`yo i-entertainin `yan dahil baka mga siraulo lang `yan na sumasakay sa issue,” dagdag ng senador.

Matatandaang sinabi ni Trillanes na kasama si Dela Rosa at apat na iba pang opisyal ng Philippine National Police sa mga personalidad na iniimbestigahan ng ICC kaugnay sa “war on drugs” ni Duterte.

The post Bato Dela Rosa mas tagilid sa arrest warrant `pag dinedma ICC first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments