Kamara ibinida tagumpay ng ‘Pinas sa siyensya at teknolohiya

Malaki ang pagbabago ng Pilipinas sa larangan ng siyesya, teknolohiya at inobasyon sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos.

Ito ang ibinida ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa international community sa pagharap sa ika-149 Inter-Parliamentary Union (IPU) Assembly sa Geneva, Switzerland nitong Lunes (oras sa Switzerland).

Aniya ang pagtutulungan ng Pangulo at Kongreso sa pagsusulong ng siyensya, teknolohiya at inobasyon ay susi sa pag-unlad ng bansa.

Bilang bahagi ng legislative priority ni Pangulong Marcos, binuo aniya ang National Innovation Council para masiguro na ang inobasyon ay nakapaloob sa mga prayoridad na hakbangin ng bansa para sa pagkamit ng sosyo-ekonomikong pag-unlad.

Ang konseho na pinamumunuan ng Pangulo ay mayroong susunding National Innovation Agenda and Strategy Document.

Nilalaman nito ang mga hangarin para sa pangmatagalang mithiin ng Pilipinas pagdating sa inobasyon at ang road map ng mga istratehuya sa kung paano pagbutihin ang innovation governance, pagpapalalim at pagpapabilis sa inobasyon at pagsasama ng public-private partnerships para masigurong walang Pilipino ang maiiwan.

Pagbabahagi pa ng lider ng Kamara na nanguna sa delegasyon ng Pilipinas sa IPU Assembly, nakasuporta ang Kongreso ng Pilipinas sa 2030 Agenda for Sustainable Development, at nakapagpasa ng mga batas para pag-ibayuhin ang innovation governance sa Pilipinas

Kabilang dito ang Republic Act No. 11293, o “Philippine Innovation Act;” Republic Act No. 11927, o “Philippine Digital Workforce Competitiveness Act;” at Republic Act No. 10055, o “Technology Transfer Act of 2009.”

Sabi naman ni Speaker Romualdez ang mga inisyatibang ipinatupad ay nagbunga ng mga resulta para sa bansa.

Mula pang-59 na pwesto noong 2023 ay umakyat ang Pilipinas sa ika-56 ngayong taon sa 2024 Global Innovation Index ng World Property Organization, na sumusukat sa innovation-based performance ng130 higit na mga ekonomiya

Kinilala rin sa naturang ulat ang Pilipinas bilang isa sa top innovation performers ng dekada na nakamit ang pinakamataas nitong ranggo na pang-50 noong 2020 sa kabila ng pandemiya.

Layon naman aniya ng Technology Transfer Act na isulong ang pagkakaroon ng paglilipat at komersyalisasyon intellectual property, technology at knowledge na resulta ng mga pagsasaliksik at development programs na pinondohan ng pamahalaan para sa benepisyo ng ekonomiya ng bansa.

Inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) ang PAGTANAW 2050, ang unang DOST-funded inter-disciplinal at trans-disciplinal project para sa isang nakatuong Science Technology Innovation Foresight and Strategic Plan.

Koleksyon ito ng mga nais makamit sa larangan ng science, technology at innovation sa pambansa at pandaigdigang aspeto, mga hangaring pang lipunan, trans-disciplinary operation areas, at ang mga kasalukuyan at umuusbong na mga teknolohiya na mahalaga sa pagunlad ng bansa at naka-angkla sa mga pagnanais ng mga Pilipino.

Mahalaga aniya ang science, technology at innovation sa pagtugon sa mga isyu na hinaharap ng mga maunlan at papaunlad pa lang na mga bansa.

The post Kamara ibinida tagumpay ng ‘Pinas sa siyensya at teknolohiya first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments