PNP-SOSIA pinahigpitan screening, background check sa mga sikyo

Ipinag-utos ng Philippine National Police-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) sa mga private security service provider ang pagsasagawa ng masusing background check sa kanilang mga protection agent.

Ang hakbang ay alinsunod sa Republic Act No. 11917 o Private Security Services Industry Act na nag-uutos ng masusing vetting at screening process bago ang kanilang deployment.

Batay sa Memorandum na pinirmahan ni Acting SOSIA chief Col. Marlou Alzate, kinakailangan ang isang complete background investigation upang matiyak na walang koneksyon ang mga protection agent sa anumang criminal group o hindi sila sangkot sa ilegal na aktibidad.

Layon ng PNP-SOSIA na masiguro ang kredibilidad ng mga protection agent upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa kanilang serbisyo. (Edwin Balasa)

The post PNP-SOSIA pinahigpitan screening, background check sa mga sikyo first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments