Luya P300 per kilo, DA tinulak import pa more

Sumipa ang presyo ng luya sa mga palengke na umabot diumano sa P300 per kilo.

Ipinahayag naman ng Department of Agriculture (DA) na malaking tulong ang pagpasok ng mga imported na luya upang maging matatag ang presyo nito sa mga pamilihan.

Nabatid na umabot sa P300 per kilo ang presyo ng luya na malayo sa average P80/kilo hanggang P100/kilo level nito.

“We are expecting na bababa ang luya dahil sa pagpasok ng imported na luya,” ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa.

Kasalukuyan na umanong nag-aangkat ng mga luya mula sa China at may mga inaasahang darating pa galing sa Vietnam at Indonesia.

Sabi ni De Mesa, sumirit ang presyo ng luya sa tumataas na industrial demands, sa epekto ng El Niño, at magkakasunod na bagyong dumating sa bansa.

“Lumaki rin iyong demand ngayon for the industrial users iyong gumagawa ng herbal tea, iyong gumagawa ng turmeric tea. So, lumaki iyong demand this year,” ayon kay De Mesa habang binagyo naman aniya ang mga tinataniman ng luya.

Binabantayan naman aniya ng DA ang mga nagtitinda ng luya sa palengke laban sa pang-aabuso sa mga konsyumer. (PNA)

The post Luya P300 per kilo, DA tinulak import pa more first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments