Sino raw itong opisyal ng Senado na kontra sa ipinatutupad na polisiya ng Senate president sa parking?
Ayon sa nakalap ni Mang Teban, naglabas umano ng bagong patakaran ang liderato ng Senado na bigyan ng parking space ang mga bumibisita dahil kailangan pa nilang mag-park kung saan-saan at kapag minalas pa, nato-tow ang kanilang sasakyan kapag nakaparada sa kahabaan ng Diosdado Macapagal Boulevard.
Ang iba naman ay sa mall pa nagpa-park na sadyang napakalayo at siyempre may parking fee, kaya dagdag gastos pa.
Maging ang miyembro ng media na regular na nagkokober sa Senado ay binigyan din ng parking slot bagay na mariing kinokontra ng opisyal na ito.
Bukambibig pa ng opisyal na isang director sa Senado, dapat unahing bigyan ng parking space ang mga kawani, lalo na ang mga opisyal na katulad niya at hindi ang mga miyembro ng media na inakusahan pa diumano niyang mga abusado.
Sa isang pulong ng mga kawani ng Senado, nagbida-bida pa raw ang opisyal na ito na kesyo hindi raw dapat bigyan ng prayoridad ang mga miyembro ng media. Hindi na nga raw siya nagdadala ng sasakyan dahil inokupa na ng media ang parking na dapat sana’y sa kanilang mga opisyal ng Senado.
Nadismaya naman ang ilang kawani sa asal ng director na ito dahil sa halip na suportahan ang naturang polisiya, inuurot pa niya ang mga kapwa niya empleyado na tutulan ito.
Clue: Ang pabibong Senate director na ito na ganid sa parking ay may letrang A sa kanyang pangalan as in sobra sa Angas.
The post Senate director suwapang sa parking first appeared on Abante Tonite.
0 Comments