Solon binansagang balat-sibuyas, napikon

Sino raw itong mambabatas na napikon matapos i-bash sa social media dahil sa ibinibida nitong lifestyle?

Ayon sa nakalap ni Mang Teban, ipinagmalaki umano ng mambabatas ang biyahe nito sa abroad kasama ang mga kaibigan. Isa sa pinost nito sa social media ay ang pagkain sa Chinese restaurant sa isang bansa sa Southeast Asia.

Agad umano siyang binash ng mga netizen dahil ipinapakita ang karangyaan habang maraming Pinoy ang naghihirap sa buhay at kung minsan ay walang makain.

Napikon daw agad ang mambabatas at sinabihan ang netizen na burahin ang pinost nito kung walang magandang masasabi.

Lalo pa raw pinag-initan ang mambabatas sa pagsasabing entitled ito, balat-sibuyas at kung anu-ano pa.

Aba’y nagsumbong daw ang mambabatas sa admin at pinatatanggal ang account ng mga namba-bash na netizen.

Ang mambabatas ay palaging nagmamalaking walang bahid ng korapsiyon pero madalas na nakakasama ang ilang gambling lord at negosyanteng inimbestigahan sa POGO scandal.

Clue: Kilala ang mambabatas sa kanyang mga initial at palaging nagbibiyahe by land.

The post Solon binansagang balat-sibuyas, napikon first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments