DOJ chief kinumpirma Jonvic Remulla sa DILG

Manunumpa si Cavite Governor Jonvic Remulla ngayong Martes, Oktubre 8, bilang bagong kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Kinumpirma ito ng kanyang kapatid na si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla sa panayam ng mga reporter.

Sabi ng DOJ chief, nakatakdang manumpa sa kanyang bagong puwesto ang gobernador ng Cavite ngayong martes ng umaga.

“In fact, I think he’s withdrawing from candidacy as we speak,” ayon kay Remulla.

Pero mas makabubuti pa aniya kung manggaling mismo kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang anunsiyo tungkol sa kanyang kapatid.

Wala pang pahayag tungkol dito ang Malacañang gayundin ang kampo ng Cavite governor ay tahimik pa.

The post DOJ chief kinumpirma Jonvic Remulla sa DILG first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments