Dismayado si House Committee on Public Accounts chairperson at Abang Lingkod party-list Rep. Stephen Paduano sa hindi pagsipot ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa pagdinig ng Quad Committee ng Kamara de Representantes kaugnay ng mga kaso ng extrajudicial killings sa war on drugs campaign ng kanyang administrasyon.
Sinabi ni Paduano na sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Martin Delgra sumulat si Duterte sa komite at sinabi na kailangan nitong magpahinga at handa itong dumalo sa pagdinig matapos ang Undas. Pero sa isa pang sulat, sinabi ni Delgra na hindi dadalo si Duterte sa pagdinig kahapon, Nobyembre 7.
“Malinaw po Mr. Chairman na naglolokohan tayo dito, naglolokohan tayo dito, because the first letter promised us that he will be present after Nov 1. kung hindi tayo naglolokohan dito, ano natatakot siya na pumunta dito?” giit ni Paduano.
Naghain ng mosyon si Paduano na maglabas ang komite ng show cause order laban kay Delgra pero inamiyendahan ni Antipolo City Rep. Romeo Acop ang mosyon at pinaimbitahan na lamang muna ang abogado. Hiniling din ni Paduano na muling imbitahan ang dating Pangulo. (Billy Begas)
The post Digong inokray na takot sa drug war probe first appeared on Abante Tonite.
0 Comments