Tanggap na ni Terrence Romeo ang trade na nagdala sa kanya sa Terrafirma mula San Miguel Beermen.
“Probably isa sa pinaka-sad moment ng career ko pero ganu’n talaga walang permanent sa basketball world importante ‘yung happy memories and achievements natin at mga learning hindi na mawawala,” bungad ni Romeo sa mahaba-habang post niya sa Instagram nitong Lunes matapos aprubahan ang trade.
Binigay ng Beermen sina Romeo at Vic Manuel sa Dyip para kina Juami Tiongson at Andreas Cahilig.
Pinasalamatan ni Romeo ang top executives ng SMB, coaches, trainers at teammates na nakasama niya mula 2019 nang lumipat mula TNT.
Una rito si dating coach Leo Austria (consultant na ngayon), governor Robert Non, team manager Gee Abanilla, assistant team manager Danby Henares, SMC sports director Alfrancis Chua at si SMC top brass Ramon S. Ang.
Sina Chua at RSA aniya ang bumuhay sa kanyang career.
Nakalimutan niya si coach Jorge Gallent.
Lahat ng tatlong championship ng 32-year-old gunner, nakuha sa Beermen.
“Good luck SMB sa lahat ng games I wish the team all the best see you guys around,” panapos na hirit ni Romeo. “Thank you Terrafirma sa pag-welcome sa akin, sana makatulong ako sa inyo. Let’s get it!” (Vladi Eduarte)
The post Terrence Romeo dehins amplaya sa San Miguel-Terrafirma trade first appeared on Abante Tonite.
0 Comments