DSWD humirit ng donasyong pagkain para sa `Walang Gutom Kitchen’

Nanawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng food donation mula sa mga restaurant, fast food chain, at mga volunteer para sa bagong programa ng gobyerno na “Walang Gutom Kitchen”.

Inilunsad ang “Walang Gutom Kitchen” nitong Disyembre 16 bilang isa sa mga solusyon ng DSWD laban sa gutom partikular sa mga walang matutuluyan. Bukod pa riyan, makakatulong din ito upang mabawasan ang food wastage ng bansa.

Matatagpuan ang “Walang Gutom Kitchen” sa Nasdake Building sa Pasay City at maaari rin mag-volunteer para maging server ang mga nais tumulong.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, layunin ng DSWD na magbukas ng karagdagang “Walang Gutom Kitchen” sa buong bansa.

Pangunahing layunin ng programa na matulungan ang mga bata, indibiduwal at mga pamilyang palaboy sa mga lansangan gayundin ang iba pang Pilipino na nakakaranas ng involuntary hunger.

Bukod sa layuning tugunan ang problema ng bansa sa involuntary hunger, puntirya rin ng program ana maiwasan ang pagkasayang ng mga pagkain.

“Una sa lahat, gusto natin sugpuin ang kagutuman. Pero saan natin kukunin ang mga pagkain? Dahil food bank din ang soup kitchen na ito, dito binabagsak ng mga hotel, restaurant, at mga fast food ang mga sobra nilang bentahin at mga pagkain na hindi nila nakonsumo sa araw na iyon,” ayon kay Gatchalian.

Bahagi ang “Walang Gutom Kitchen” sa mga programa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maging hunger-free ang Pilipinas. (Migo Fajatin)

The post DSWD humirit ng donasyong pagkain para sa `Walang Gutom Kitchen’ first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments