Duque, Lao ‘luhaan’ sa Sandiganbayan

Magpapatuloy ang kasong graft laban kina dating Health Secretary Francisco Duque III at dating Procurement Services of the Department of Budget and Management (PS-DBM) chief Usec. Lloyd Christopher Lao.

Ito ay matapos ibasura ng Sandiganbayan 1st Division ang inihain nilang Motion to Quash nitong Martes.

Patungkol ito sa inihaing kaso ng Ombudsman sa umano’y anomalya sa nangyaring paglipat ng P41.46 bilyong pondo ng DOH sa DBM noong kasagsagan ng pandemya.

Matatandaan na inilipat umano ang pondo sa DBM upang gamitin sa pagbili ng COVID-19 supplies tulad ng me

The post Duque, Lao ‘luhaan’ sa Sandiganbayan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments