May habol pa si Dottie Ardina sa coveted Top 25 and ties para sa full 76th Ladies Professional Golf Association Tour 2025 status.
Pero naantala ang pananabik niya na makasungkit muli ng card sa world ladies premier circuit sanhi ng masamang panahon na nagpahinto sa fifth at final round ng Q Series: Final Qualifying Stage sa Mobile, Alabama nitong Lunes (Martes sa Manila).
Bitbit ng Pinay ace mula sa Canlubang, Laguna na kinakalinga ng ICTSI (International Container Terminal Services Inc.) ang momentum sa likuran ng tatlong dikit na birdie mula sa pang-anim butas para mag-three-under par score sa RTJ Golf Trail-Crossing Course sa Magnolia Grove.
Iyon ang nagposisyon sa kanya sa six-under overall total, para sumampa sa pagbuhol sa four-way tie sa 24th spot, kasunod ng fourth-round three-under 68 sa Fall Course at pagtabla sa 30th place. Natigil ang finale makaraan ang birdie-par-bogey sa pangatlong butas bunsod sa buhos ng ulan.
Nasa 1-2 sina Chisato Iwai at Miyu Yamashita ng kapwa Japan sa 21-under na iskor ng una para sa dalawang palong lamang sa huli.
Sapol nang makasungkit ng LPGA Tour card noong 2014, salitang lumalagari ang 31-anyos na PH bet sa LPGAT at sa Epson Tour, na rito’y nagkampeon siya sa Copper Rock Championship noong Abril 2022.
Sa taong itong LPGAT, pinakamataas niyang tinapos ang pagsosyo sa pangpitong puwesto sa Dana Open at joint runner-up sa Casino Del Sol Classic sa ET noong May. (Abante Tonite Sports)
The post Dottie Ardina pumapalag pa para sa full LPGA Tour status first appeared on Abante Tonite.
0 Comments