Erpat ni-rape anak na lalaki

Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki matapos nitong molestiyahin ang kanyang 5-anyos anak na lalaki.

Ang suspek na si alyas Andres, ay inaresto ng mga ahente ng NBI Organized and Transnational Crimes Division sa kanyang bahay nitong Martes ng gabi matapos siyang ireklamo ng kanyang misis.

Nabatid sa nanay ng bata na si alyas Alice, agad niyang dinala sa doktor ang anak nang may mapansin siyang dugo sa pribadong bahagi nito.

“Pinaliguan ko anak ko, hinugasan ko ang pwet. Tapos pagtingin ko may pula, pinicturan ko. Sabi ko ‘Anak bakit mapula ito?’ Hindi raw niya alam… Sabi ng doktor dalhin ko sa medico legal,” ayon sa ina ng bata.

Nabatid na nakulong ang suspek noong 2022 matapos niyang gahasain ang kaniyang misis at ang bata pero nakapag-piyansa at nakipag-ayos umano ito sa mag-ina na labis namang pinagsisihan ng huli.

Samantala, depensa ng suspek binabaligtad lamang umano siya ng kanyang misis dahil may bago siyang karelasyon at itinanggi ang akusasyon laban sa kanya.

Giit niya, namula umano ang pribadong bahagi ng anak bunsod ng pagtatae dahil sa hilig sa tsitsirya at hindi madalas na pag-inom ng tubig.

Gayunman, nanindigan ang NBI na malinaw na ginahasa ang bata base sa medico legal report.

Ayon kay Jerome Bomediano ng NBI-OTCD, sasampahan ng kasong Rape at Child Abuse ang suspek habang isasailalim sa counseling ang mag-ina.(Juliet de Loza-Cudia)

The post Erpat ni-rape anak na lalaki first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments