Foreigner na nag-police uniform costume, 6 buwan kulong

Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa mga sibilyan na gagamit at magsusuot ng uniporme ng pulis bilang kanilang costume.

Ito ay matapos na mag-viral sa social media ang isang dayuhan na nakasuot ng uniporme ng pulis bilang costume sa isang Christmas party.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col Jean Fajardo, posibleng makasuhan ng Article 179 o illigal use of uniform or insigma ang nasabing dayuhan.

Ito ay may kaparusahang hanggang anim na buwang pagkakakulong kapag napatunayang guilty ito sa gagawing imbestigasyon.

Sa ngayon ay inaalam na ng PNP kung saan nakuha ng nasabing dayuhan ang uniporme o kung hiniram lang niya ito para gamitin sa isang Christmas party ng isang kompanya. (Edwin Balasa)

The post Foreigner na nag-police uniform costume, 6 buwan kulong first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments