John Arcilla sumawsaw sa isyu nina Maris Racal, Anthony Jennings

Wala mang tinutukoy na mga pangalan, ipinapalagay ng mga tsismosang kapitbahay na ang tinutukoy ng award-winning actor na si John Arcilla ay ang MaThon sa kanyang post.

Nagbigay kasi ng take si John hinggil sa isyu ng pag-share o pag-screenshot ng messages, pag-gaslight at sa posibleng motibo ng isang tao sa paglalabas ng confidential na information para ibisto ang isang pribadong affair.

Masasabing timely din ang kanyang mga hirit dahil ginawa niya ito nang pumutok ang isyu sa pasabog ni Jamela Villanueva kina Maris at Anthony Jennings.

Post niya sa kanyang FB: “May nagtanong kasi sakin. Eto sagot ko: AYOKO MANGHUSGA. HINDI KO NABASA LAHAT.

Nagsisimula pa lang ako NAKARAMDAM NA AKO NG HIYA SA SARILI KOBat ba ako nagbabasa ng isang private na convo? Sabihin ng OA, pero AWKWARD yung pakiramdam. Hindi ko napanindigang ITULOY magbasa. Hindi ko rin sinasabing mali ka kung tinapos mong magbasa, nilatagan ka ng ebidensiya, nag imbestiga ka. Kanya kanyang choice lang naman. ITO LANG ANG HINDI KO MAINTINDIHAN: Bakit hindi Binura? May mali eh. Anong Pakay? Parang may plano, parang may Hindi magandang balak.

TAENA NAMAN. Lahat naman tayo dumaan sa pagkabinata pero Hindi ko ma-KUHA na habang may tino-torture kang GF dahil binigyan mo naman ng access sa CP mo (?) sa isang banda May ine-expose ka or may balak ka naman i-Blackmail na isa pang babae (?) Parang nasa gitna ng PAG EXPOSE at kunwaring PAG GASLIGHT (?) Parang mayroong laro eh. Sana mali ako.

Pero kung tama ako. May kabastusan yung motibo. Ibang Klaseng mag-trip. May hindi rin sina-alang-alang yung 3rd party, bad trip din yon – pero tingin ko lang mukang may isang Kolokoy na nag take advantage ng LAHAT with confidence and a disguise of being Cool? YUN LANG

Umani naman ng samu’t-saring reaksyon ang umanoý pakikisawsaw ni John sa isyu ng MaThon at ng ex ni Jennings na si Villanueva.

Ito ang ilan sa sey ng kibitzers.

“Ramdam ko ‘yung “TAENA NAMAN”. Sumapi si Heneral Luna habang tinitipa niya ang paskil na ‘to.”

“hoooy dineretcho mo naman hahaha”

“I-Artikulo uno na yan. Hahahaha”

“Lutong!! Hahahaha”

“May remembrance ata kaya hindi dinelete.”

“Probably the opinion I agree with the most haha”

“kaya di nya binura kasi no read and delete hahahaha”

The post John Arcilla sumawsaw sa isyu nina Maris Racal, Anthony Jennings first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments