Vice kinampihan ang may malasakit sa mangagawa ng entertainment

Bongga si Vice Ganda dahil iniisip ang kapakanan at karapatan ng mga mangagawa lalo na sa industriya. Ramdam ang malasakit niya sa ating mga kababayan.

Dahil dito, lantaran ang suporta niya sa CEO ng Angkas na si George Royeca, na kamakailan ay nagpasya na dalhin ang kanyang adbokasiya sa larangan ng politika.

Opisyal na inendorso ni Vice ang Angkasangga Partylist.

Bet niya ang direktang mithiin na pagaanin ang buhay at tiyakin ang kinabukasan ng impormal na sektor sa Pilipinas. Karamihan ay kinabibilangan ng mga manggagawang nasa iba’t ibang industriya, lalo na ang sektor ng entertainment .

Sa pamamagitan ng pag-endorso ni Vice, ang Angkasangga Partylist ay nakakuha ng malakas na boses, hindi lamang sa LGBTQ+ community kundi pati na rin sa broad spectrum of gig and informal workers sa entertainment industry.

Ang walang kapantay na impluwensya at malawak na outreach ni Vice ay malaking tulong para palakasin ang pangunahing adbokasiya ng partylist—pagkilala at malaking suporta para sa impormal na sektor.

“I stand with George Royeca and Angkasangga Partylist because I believe in their vision and their unwavering commitment to the informal sector and gig workers. Together, we can make a significant impact on the lives of countless Filipinos who strive to make a living through gig work. It’s more than just earning; it’s about receiving the respect, security, and benefits these workers deserve,” deklara ni Vice.

The post Vice kinampihan ang may malasakit sa mangagawa ng entertainment first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments