Agri exec nginuso mahinang ani sa taas-presyo ng kamatis

Posibleng bumaba na umano ang presyo ng kamatis sa mga palengke sa katapusan ng Enero o unang linggo ng Pebrero ngayong taon.

Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Arnel de Mesa na inaasahang babalik sa normal ang presyo ng kamatis sa mga naturang panahon dahil sa tag-init na.

Apektado aniya ang ani ng kamatis ng magkakasunod na bagyong pumasok sa bansa noong nakaraang taon na nagdulot ng matinding pinsala sa mga pananim sa Cagayan Valley, Calabarzon, at Bicol.

“Nagkaroon ng significant reduction sa production ng kamatis by 45 percent going into the fourth quarter last year,” ani De Mesa.

Base sa Bantay Presyo ng DA noong Enero 4, nasa P200 hanggang P350 per kilo ang presyo ng kamatis sa mga palengke sa Metro Manila.

Mas mataas umano ito kumpara sa P40 hanggang P100 per kilo ng kamatis sa parehong panahon noong 2024.(PNA)

The post Agri exec nginuso mahinang ani sa taas-presyo ng kamatis first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments