Hinay-hinay lang at hintayin ang opisyal na campaign period.
Ito ang panawagan ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia sa mga politiko na nagkalat na ang mga poster at advertisement bago pa man magsimula ang kampanya para sa 2025 midterm elections.
“Dahan-dahan lang, medyo hinay-hinay. Huwag po natin i-underestimate ang katalinuhan ng ating mga kababayan. Napakatatalino po ng mga Pilipino. Alam po nila kapag sila’y pinaglololoko, o alam po nila kapag inaabuso ang kabaitan po nila,” sabi ni Garcia sa panayam ng mga reporter.
Diretsahang sinabi ni Garcia na hindi naman lahat ng botante ay natutuwa na makita ang pagmumukha ng mga kandidato na nagkalat na ang tarpaulin sa mga pampublikong lugar kahit hindi pa simula ng campaign period.
“Baka pe-pwedeng konting tiis, konting pagtitimpi, sapagkat meron po tayong mga kababayan na hindi po nagugustuhan na nakikita ang inyong mga pagmumukha diyan sa ating mga kalsada o nakalatag dito sa bawat kalye o nakakadumi sa atin pong mga bahay-bahay,” ayon kay Garcia.
Pero, nilinaw nito na panawagan lamang ito sa mga kandidato at hindi naman sila pinagbabawal dahil walang premature campaigning sa automated polls alinsunod sa batas.
Ituturing lang kasi na kandidato ang isang politika kapag nagsimula na ang campaign period.
The post Comelec: Mga politikong atat sa kampanya `di nakakatuwa first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments