Bossing Vic Sotto binusalan ng Muntinlupa RTC sa `Pepsi Paloma’ movie

Pinatahimik ng Muntinlupa Regional Trial Court ang kampo ni Vic Sotto na ibunyag o pag-usapan sa publiko ang sagot ni Darryl Yap sa petition for habeas data na isinampa ng TV host laban sa pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma”.

Kasama sa gag order ang hindi pagsasapubliko ng anumang isyu na may kinalaman sa kaso.

Inatasan din ni Muntinlupa RTC Presiding Judge Liezel Aquiatan ang lahat ng partido sa kaso na sumunod sa strict confidentiality at tiyakin na walang lalabas sa publiko hangga’t hindi pa natatapos ang kaso.

Kaugnay ito sa inihaing petisyon ng kampo ni Yap sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Raymond Fortun na humihingi ng gag order mula sa hukuman.

Sabi ng korte, may merito sa petisyon ni Yap.

“The lawyers’ statements may cause to misrepresent the Court’s orders and could prejudice public perception. Ultimately, the Court’s priority would be to protect the the fair administration of justice and prevent undue influence on the judicial process,” ayon sa Omnibus Order na inilabasng Muntinlupa RTC nitong Lunes, Enero 13.

Sa nasabi ring kautusan, ipinahayag ng hukuman na ang nauna nitong inilabas na writ of habeas data ay bilang procedural directive lang na nag-uutos kay Yap para magsumite ng verified return.

Wala umano itong kinalaman sa hirit ng kampo ni Sotto na patigilin ang pagkalat o alisin ang mga materyales na may kaugnayan sa kontrobersiyal na pelikula tungkol kay Pepsi Paloma.

“The actual relief prayed for in the petition will only be considered and resolved after the Court conducts a proper hearing to assess the merits of the case,” it said.

Itinakda ng Muntinlupa RTC ang pagdinig sa kaso nina Sotto at Yap sa Enero 17.

Unang naghain ng petition for habeas data si Sotto na humihiling na pigilan ang paglabas ng video o anumang materyales na may kaugnayan sa pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma” kung saan nabanggit ang pangalan ng TV host.

Nakasaad sa petisyon na nilabag ni Yap ang right to privacy ni Sotto dahil ginamit ang personal na impormasyon nito nang wala siyang pahintulot.

Hiwalay pa ito sa cyberlibel na isinampa ni Sotto kung saan humihingi ang TV host ng P35 milyon bilang danyos dahil isinangkot siya ni Yap sa panggagahasa diumano kay Paloma.

The post Bossing Vic Sotto binusalan ng Muntinlupa RTC sa `Pepsi Paloma’ movie first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments