Pinuri ng good governance think-tank ang Commission on Election (Comelec) sa pagbabantay nito na protektahan ang integridad ng prosesong pampulitika laban sa materyal na maling representasyon at iba pang iregularidad sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa 2025 elections.
Ayon sa Pinoy Aksyon, tama ang naging desisyon ng Comelec na kanselahin ang COC ni Teodoro at dapat na rin umanong alisin ang pangalan nito sa pinal na listahan ng mga kandidato, at mga balota sa darating halalan.
Sa desisyon noong Disyembre 11, 2024, kinansela ng Comelec’s First Division ang kandidatura ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro bilang kongresista ng unang congressional district ng lungsod dahil sa “material misrepresentation.”
Napag-alaman ng Comelec na hindi illegible si Teodoro na tumakbong kongresista sa unang distrito ng lungsod dahil siya ay residente ng 2nd district ng lungsod.
“The filing of COC by Mayor Teodoro in district 1 is a blatant disrespect to the law, the voters and the sacrosanct principle of fairness in elections,” ayon sa good governance watchdog.
“Ang paghahain ng COC ni Mayor Teodoro para sa Unang Distrito ay isang malinaw na pambababoy sa proseso ng halalan. Wala itong paggalang sa batas, sa mga botante, at sa prinsipyong patas na halalan,” giit ng grupo.
“Ang desisyon ng Comelec laban kay Teodoro ay nagsisilbing babala sa mga pulitiko na ang pagtakbo sa kahit anong lugar ay hindi maaaring gawing laro. May mga batas na dapat sundin,” dagdag pa ng grupo sa isang pahayag.
Ang Pinoy Aksyon for Governance and the Environment, Inc. ay isang independiyenteng organisasyon na naniniwala na ang pagpapalakas ng panuntunan ng batas at mga karapatan ng mga mamamayan ay nagpapatibay sa ating demokrasya.
The post Comelec tinukuran ng Pinoy Aksiyon sa desisyon kay Teodoro first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments