Comelec nirendahan AFP, PNP sa checkpoint: Walang bubuksan, walang bababa ng sasakyan!

Kasabay ng pagsisimula ng election gun ban ngayong Linggo, Enero 12, maghihigpit din ang Commission on Elections (Comelec) para sa mga security protocol tulad ng paglalatag ng mga checkpoint.

Base sa mga panuntunan ng Comelec, election period na simula Enero 12 hanggang Hunyo 11, 2025.

Sa isang panayam sa radyo, nilinaw ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na lahat ng checkpoint ay nasa ilalim ng superbisyon ng komisyon.

Aniya, limitado lang sa “plain view search” ang mga element ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na magbabantay sa mga checkpoint.

Kailangan din aniya na ilagay ang checkpoint sa maliwanag na lugar.

“Limited tayo sa plain-view doctrine. Walang pagbubukas, walang pabababain (ng sasakyan). Maliban na lang kung mayroon kang information, intelligence na nagsasabing kinakailangan tingnan mabuti ang sasakyan,” ayon kay Garcia.

Wala rin aniyang masama kung bubuksan ng motorista ang bintana ng kanilang sasakyan para masilip ng mga awtoridad.

Binigyang-diin nito ang kahalagahan na tiyaking mapapangalagaan ang karapatan ng mga mamamayan na dumadaan sa mga checkpoint.

Hinimok din niya ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad na nagbabantay sa checkpoint.

“Mag-participate na lang tayo, may kaunting istorbo sa atin pero para sa ating kapakanan naman yun,” ani Garcia. (Carl Santiago)

The post Comelec nirendahan AFP, PNP sa checkpoint: Walang bubuksan, walang bababa ng sasakyan! first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments