DOJ kinasuhan 2 PNP general, 28 pang pulis sa `palabas’ na P6.7B shabu raid

Swak sa pagtatanim ng ebidensiya at palpak na paghawak ng kaso ang dalawang heneral at 28 pang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa umano’y “palabas” na anti-illegal drugs operations sa Tondo, Manila noong 2022 kung saan P6.7 bilyong shabu ang nasamsam.

Isinampa ng DOJ sa Manila Regional Trial Court ang kaso laban sa mga akusado matapos na maglabas ng isang resolusyon ang kagawaran hinggil sa isinagawang preliminary investigation laban sa mga sangkot sa drug raid.

Kabilang sa mga kinasuhan ng DOJ ang mga sumusunod:

1) PLTGEN Benjamin D. Santos, Jr.

2) PBGEN Narciso D. Domingo

3) PCOL Julian T. Olonan

4) LTCOL Dhefry A. Punzalan

5) PLT Jonathan G. Sosongco

6) PMSG Carlos C. Bayeta

7) PAT Hustin Peter A. Gular

8) PAT Rommer I. Bugarin

9) PAT Hassan O. Kalaw

10) PAT Dennis L. Carolino

11) PCPL Joshua Ivan Baltazar

12) PAT Nathaniel Gomez

13) PLT Ashrap T. Amerol

14) PSMS Jerrywin H. Rebosora

15) PSMS Marian E. Mananghaya

16) PMSG Lorenzo S. Catarata

17) PSSG Arnold D. Tibay

18) PCOL Arnulfo G. Ibañez

19) PLTCOL Glenn C. Gonzalez

20) PMAJ Michael Angelo C. Salmingo

21) PLT Randolph A. Piñon

22) PAT Mario M. Atchuela

23) PAT Windel C. De Ramos

24) PLT Silverio P. Bulleser I I

25) PCMS Emmanuele E. Docena

26) PMSG Alejandro F. Flores

27) PCPL Jhan Roland L. Gelacio

28) PAT James G. Osalvo

29) PAT Darius R. Camacho

30) PMSG Rodolfo B. Mayo

Nag-ugat ang kaso laban sa mga nasabing opisyal at tauhan ng PNP sa isang buy-bust operation noong Oktubre 8, 2022 kung saan naaresto diumano sina Police Master Sergeant Rodolfo Mayo at Nely Saligumba Atadero, at nasamsam ang 990 kilo ng shabu na may kabuuang halaga na P6.7 bilyon mula sa opisina ng WPD Lending sa Tondo.

Base sa resolusyon ng DOJ, kabaliktaran ang lahat ng inilahad ng pulisya tungkol sa sinasabing anti-illegal drugs operation mula sa mga nakitang CCTV footage.

“We can conclude from the complaints that Mayo has already been arrested in Bambang, Tondo, Manila, for allegedly possessing two (2) kilograms of shabu, while Atadero can be seen from the still shots of the CCTV footage that he was in WPD Lending office freely roaming around the vicinity, hence, the subsequent arrests thereafter are staged,” ayon sa resolusyon.

Lumalabas na palabas lang umano ang pag-aresto kina Mayo at Atadero.

“In other words, it should be noted that the staged arrests of both Mayor and Atadero, the two had previously been actually held by the police officers on the same day, and the concerned operatives already had knowledge that there were voluminous quantities of shabu inside WPD Lending,” saad pa sa resolusyon.

Pagkatapos ay nagplano pa umano ang mga sangkot na opisyal ng pulisya para palayain si Mayo at hindi na ito sinampahan pa ng kaso.

Binanggit pa sa preliminary investigation na kasama rin si Mayo sa anti-illegal drugs operations na ang target diumano ay isang malaking drug personality sa Pasig City.

The post DOJ kinasuhan 2 PNP general, 28 pang pulis sa `palabas’ na P6.7B shabu raid first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments