Dumami ng 23.3% ang inutang ng mga Pinoy consumer nitong Nobyembre 2024.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot na sa P1.54 trilyon ang consumer loans noong Nobyembre 2024 mula sa P1.25 trilyon noong Nobyembre 2023.
Mas madami rin ang inutang ng mga konsyumer noong Nobyembre 2024 kumpara sa P1.50 trilyong na inutang noong Oktubre 2024.
Credit card loans ang bulto ng inutang ng mga konsyumer noong Nobyembre na nasa P894.61 bilyon. Kasunod nito ang car loans kasama na ang motorcycle loans na nasa P450.68 bilyon.
Ayon sa datos ng BSP, bumagal ang paglago ng credit card loans sa 26.5% noong Nobyembre kumpara sa 27.7% na paglago noong Oktubre.
Lumakas naman ang paglago ng motor vehicle loans ng 19.6% mula sa 18.9% noong Oktubre.
Ang mga salary loans naman ay umabot sa P154.99 bilyon noong Nobyembre, mas malaki ng 15% kumpara sa P134.75 bilyong salary loans na naitala noong Nobyembre 2023.
Mas malaki ang kinikita ng mga bangko na interes sa consumer loans. Ang mga credit card loans, halimbawa, karamihan ay nasa 3% ang interes kada buwan o 36% sa isang taon ngunit mas mababa pa rin ito sa interes ng 5-6.
Bagamat consumer spending amg pinaka nagpapagulong sa ekonomiya, ang pautang sa mga konsyumer ng mga bangko ay kakarampot lamang kumpara sa P10.81 trilyong pinautang sa mga negosyo. (Eileen Mencias)
The post Credit card, motorcycle loan patok sa mga Pinoy – BSP first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments