China modus sa West Philippine Sea bistado kay PCG Commodore Jay Tarriela

Hindi dapat pabayaan na lang ng international community ang ginagawang panghihimasok ng China sa West Philippine Sea, ayon sa isang opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG).

Bistado na umano ni PCG Spokesperson for the WPS Commodore Jay Tarriela ang diskarte ng China na ginagamit ang gawa-gawa nilang nine-dash line upang bigyang katuwiran ang pananatili ng kanilang mga barko sa WPS.

Walang ibang layunin aniya ang China kundi ang gawing normal na ang pagpapadala ng kanilang mga barko sa WPS.

“Their goal is to normalize such deployments, and if these actions go unnoticed and unchallenged, it will enable them to alter the existing status quo,” ayon kay Tarriela sa kanyang X post.

Tinawag niya ang ginagawa ng China bilang “strategy of normalization” para baguhin ang status quo sa karagatan para bigyang katuwiran ang “illegal narrative” sa pag-angkin ng mga teritoryo.

Lahat ng ito, sabi ni Tarriela, ay bahagi ng tinawag niyang “China playbook”.

Kapag hinayaan ng international community ang nais mangyari ng China sa illegal deployment nito ng mga barko, lalo aniya lalakas ang loob ng China na panghimasukan ang exclusive economic zone (EEZ) ng iba pang bansa sa Asya tulad ng Vietnam, Brunei, Malaysia, at Indonesia.

The post China modus sa West Philippine Sea bistado kay PCG Commodore Jay Tarriela first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments