Isko Moreno bet ang extra service

Aminado si Isko Moreno na na-enjoy niya ang showbiz noong panahong pansamantala niyang iniwan ang politika.

Katunayan, na-ignite raw ang passion niya for hosting nang mabigyan siya ng isang noontime show noon sa GMA-7.

Sobra rin daw niyang na-miss ang pag-arte kaya naman thankful siya na naging markado ang kanyang pagbabalik bilang Ninoy Aquino sa pelikulang “Martyr or Murderer” na sequel sa matagumpay na “Maid in Malacanang.”

Gayunpaman, hindi raw naman nangangahulugang iiwan na niya ang showbiz sa pagpasok niyang muli sa politika.

Aniya, kung may makabuluhan o manaka-nakang offer daw naman ay puwede niyang i-consider.

Katunayan, bet daw niyang magbigay ng extra service para lamang makalikom ng pondo.

Pagbabahagi pa niya, pumasok daw siya sa multi-million endorsements noon para mas lumawak pa ang reach ng kanyang puwedeng matulungan.

Sa mga detractors namang bumabatikos sa kanyang pagbabalik sa politik, dedma lang ang kanyang attitude.

Inamin naman niyang nagkaroon siya ng change of heart dahil na rin sa paghihimok ng kanyang mga kababayan.

Utang daw kasi niya sa kanyang constituents ang kanyang naging mandato noon at ayaw niyang mag-deteriorate ang siyudad na kanyang minahal.

Ito ay bilang depensa sa una niyang naging pahayag na retired na siya noon as a public servant.

Hinggil naman sa anak na si Joaquin Domagoso, hindi raw niya inimpluwensyahan ang anak na tumakbo bilang konsehal.

Sariling desisyon daw nito to run for a position sa konseho ng lungsod.

Enjoy rin daw siya sa pagiging lolo ni Scott, apo niya kay Joaquin, na nasubaybayan niya ang paglaki as a private citizen.
Si Isko o Yorme ang nagsilbing inducting officer ng mga bagong halal na opisyales ng PMPC Star Awards, Inc. sa pamumuno ng newly elected president Mell Navarro. na ginanap sa Adriatico Arms Hotel, J. Nakpil, Malate, Manila.

Kabilang sa mga nahalal at nanumpa sa tungkulin sina Fernan de Guzman, Vice President; Jimi Escala, Secretary; Mildred Bacud, Assistant Secretary; Boy Romero, Treasurer; John Fontanilla, Assistant Treasurer; Rodel Fernando, Auditor; Eric Borromeo at Blessie Cirera bilang mga PRO .

Nanumpa rin ang bagong Board of Directors na sina Roldan Castro, Evelyn Diao, Leony Garcia, Rommel Gonzales, Rommel Placente, at Francis Simeon. (Archie Liao)

The post Isko Moreno bet ang extra service first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments