Pagseserbisyuhang muli ni Jeffrey ‘Jeff’ De Luna ang ‘Pinas sa malaking entablado makaraan ang 13 taon sa pagtumbok sa 12th World Games sa Chengdu, China sa August 7-17.
Siniwalat ng 40-anyos na Pinoy cue artist ang balita sa Radyo Pilipinas 2, pinahayag na pinabatid sa kanya ang kaalaman ni Philippine Olympic Committee secretary general Atty. Wharton Chan.
Hinablot ni De Luna ang puwesto sa World Games sa bisa nang pagsungkit ng mga bronze medal sa Asian 10-Ball Championship at World 10-Ball Cup na parehong ginanap sa nakaraang buwan sa Doha, Qatar.
Kabilang sa magiging paghahanda niya sa Chengdu Games ang pagsabak sa Derby City Classic, Las Vegas Open at iba pang torneo sa Estados Unidos. Pa-World Games, hinagip ni De Luna ang silver sa 15th Asian Games 2004 sa Doha para sa bansa.
Siya ang pangalawang bilyarista ng PH na tutumbok sa nalalapit na quadrennial sportsfest tapos ni Rubilen Amit, 43, na nag-qualify sa pagsungkit ng silver sa Asian 10-Ball Women’s Pool sa Doha nito lang ding December.
Nilalaro sa World Games ang mga wala sa Olympic Games. (Abante Tonite Sports)
The post Jeffrey De Luna isasargo ‘Pinas sa Chengdu 12th World Games first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments