John Arcilla kampi sa sampaguita vendor na tinaboy ng guwardiya

Gusto ng aktor na si John Arcilla na mabigyan ng leksiyon ang guwardiya na nag-viral matapos itaboy ang estudyanteng nagtitinda ng sampaguita sa labas ng isang mall at sinira pa ang mga paninda nito.

“Kung hindi miserable at hindi mahirap ang buhay ng bata, magtitinda kaya siya ng Sampaguita kung may iba siyang paraan ng pagkakakitaan? Wala naman siyang sinasaktang tao. Mahirap na nga ang buhay niya, papahirapin pa natin?” ani Arcilla sa ibinahaging viral video nito sa Instagram.

“Such a sad video to watch. Nag hahanap buhay yung bata. Bakit kailangan wasakin ‘yung tinda niya? Hindi ko masisi ang bata kung bakit nagalit. Bakit may mga Guard o taong ganito? Sana may kunsiderasyon. When we are in authority and we use it to mistreat someone we outrank, what kind of person are we? Sana ay mabigyan ng tamang leksiyon ang Guard,” dagdag pa niya.

Nauna nang sinabi ng Mandaluyong City Police na totoong estudyante at hindi miyembro ng sindikato ang babaeng sampaguita vendor sa viral video.

Kumakalat kasi sa social media na miyembro umano ng sindikato ang babae.

Nagtitinda umano ito ng sampaguita para makatulong sa pamilya lalo’t kade-demolish lang ng kanilang bahay sa Quezon City.

(Issa Santiago)

The post John Arcilla kampi sa sampaguita vendor na tinaboy ng guwardiya first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments