Brent Manalo nanawagan tigilan na ang walang basehang bashing

Nagbigay ng panibagong atensyon ang biruan nina Brent Manalo at Darren Esoanto sa isang noontime show, kamakailan kaya muling napag-usapan ang PBB “Tapatan” issue.

Muling kumalat ang lumang clip at bumalik ang backlash kay Brent, doon siya nagpasya na ipaliwanag ang kanyang panig tungkol sa nangyari noon sa loob ng PBB house.
Sa muling pagtalakay ni Brent sa lumang “Tapatan” issue ay hindi ibig sabihin na iyon mismo ang dahilan kung bakit siya nagsalita tungkol sa PBB.
Ang nangyari, noong September 4 sa programa, nagpalitan ng biruan sina Brent at Darren sa Miss Q&A. Sa sagot ni Darren, nabanggit ang naging karanasan ni Brent sa loob ng Pinoy Big Brother house. Inilarawan mismo ng network na ang kanilang interaction bilang “biruan lang” sa nagtanong kung nagka-personalan sila.
Pagkatapos nito, muling nabuhay online ang dating “Tapatan” controversy, kaya naglabas si Brent ng kanyang pahayag tungkol sa nangyari noon.
Sa kanyang statement, sinabi niyang matagal siyang nanahimik, ngunit dahil patuloy na bumabalik ang clip at nakatatanggap siya ng batikos, nagpasya siyang magsalita.
Naging mitsa o nagbigay ng panibagong atensyon ang biruan nina Brent at Darren sa programa para muling mapag-usapan ang PBB “Tapatan” issue.
Dahil muling kumalat ang lumang clip at bumalik ang backlash kay Brent, doon siya nagpasya na ipaliwanag ang kanyang panig tungkol sa nangyari noon sa loob ng PBB house.
Kaya may koneksiyon ang nangyari sa puksaan nila ni Darren, pero hindi na si Darren ang dahilan ng statement ni Brent.
Dahil dito ay muling nakatanggap na sandamakmak na komento ang PBB Big Winner.
Nabuksan din ang kontrobersiyang kinasangkutan niya sa “Tapatan” ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, dahil muling kumalat online ang video ng kanilang mainit na sagutan.
Ipinaliwanag naman Brent kung ano ang nangyari noon sa loob ng PBB house
Aniya, matagal siyang nanahimik at piniling hayaan ang kanyang mga ginagawa at trabaho ang magsalita para sa kanya.
Gayunman, dahil patuloy na bumabalik ang naturang clip at nakatatanggap siya ng matinding batikos online, nagpasya na siyang magbigay ng pahayag.
“I took all the lashings and never said a word cos I’m a firm believer that you should always let your work speak for u.”
Direkta rin niyang binanggit ang nangyari sa kontrobersyal na clip. Naging emosyonal siya sa naturang pagkakataon.
‘To discuss it briefly, pinagmumura po ako don.”
“And I let my emotions get the best of me. It wasn’t my proudest moment.”
Sinabi ni Brent na bukas siya sa constructive criticism at natututo siya mula sa kanyang mga pagkakamali.
Gayunpaman, hiniling niya sa publiko na itigil na ang tinawag niyang “unwarranted hate” o mga batikos na sa tingin niya ay hindi na makatarungan.
“This chapter has been closed,” saad niya, na nagpapakitang nais na niyang iwan ang kontrobersiya at magpatuloy sa kanyang career.
Sa kabila ng mga natanggap na puna, ipinahayag din ni Brent ang kanyang pasasalamat sa mga oportunidad na patuloy na dumarating sa kanya.
Hiling niya lamang na bigyan siya ng kaunting pang-unawa habang patuloy niyang pinagbubuti ang kanyang sarili at trabaho.
Nagsalita si Brent dahil muling kumalat ang lumang “Tapatan” clip at patuloy siyang nakatatanggap ng backlash.
Matagal siyang nanahimik, pero ngayon ay nais niyang ipaliwanag ang kanyang panig, aminin ang kanyang naging pagkukulang, at ipakitang natuto siya mula rito. Kasabay nito, humihiling siya na itigil na ang labis o walang basehang pambabatikos at hayaan siyang mag-move forward. (Beth Gelena)

The post Brent Manalo nanawagan tigilan na ang walang basehang bashing first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments