NFA rice ilalabas sa mga warehouse para ibenta ng P38 per kilo sa Metro Manila

Inutos na rin ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ibenta ang mga nakaimbak na bigas ng National Food Authority (NFA) sa halagang P38 per kilo.

Pero gagawin ito sa mga local government unit pa lang sa Metro Manila.

Ayon kay Laurel, ibebenta nila sa mga lokal na pamahalaan ang mga bigas na may dalawang buwan nang nakaimbak sa mga bodega ng NFA.

Ipinaliwanag naman ng kalihim na ito’y paghahanda lamang para mabakante ang mga bodega ng NFA para sa nalalapit na panahon ng anihan ng palay sa bansa.

Sa ngayon aniya punong-puno pa ng bigas ang mga bodega ng ahensiya kung kaya’t inatasan niya si NFA Administrator Larry Lacson na ipagiling na ang mga ito at ilabas sa mga palengke sa mas murang halaga.

“I have directed NFA administrator Larry Lacson to have the rice milled immediately so we could saturate the market with fairer-price rice as we make space for the palay we plan to procure at a minimum of P23 per kilo for clean and dry this season,” sabi ni Laurel.

Bahagi pa rin aniya ito ng kanilang komprehensibong plano para patatagin ang presyo ng bigas at maging abot-kaya sa mga pamilyang Pilipino ang de-kalidad na bigas.

The post NFA rice ilalabas sa mga warehouse para ibenta ng P38 per kilo sa Metro Manila first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments