Sa kauna-unahang pagkakataon inamin ni Vice President Sara Duterte na pinag-iisipan na rin niya ang presidential election sa 2028.
Ipinahayag niya ito sa dinaluhang meet-and-greet activity kasama ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Japan.
Nagpalakpakan ang mga dumalo sa naturang pagtitipon nang sabihin ng Bise Presidente na ikinokonsidera niya ang pagtakbo sa 2028 elections.
Inamin niya ito matapos itanong ng isang OFW kung may posibilidad na tumakbo siya sa 2028 elections.
“We are seriously considering,” ang tugon ng Bise Presidente.
“I really believe that our country will be great… mahirap siyang ipaintindi sa ating mga kababayan, mahirap ‘yung kailangan nating gawin kasi you really had to stand firm especially with government policies para maayos siya pero paniwala ko kung magkaisa lang ‘yung mga tao, alam natin kung saan tayo papunta, magagawa ng ating bayan,” dagdag ni Duterte. (Issa Santiago)
The post Pumiyok sa mga OFW! VP Sara Duterte nagpaplano sa 2028 presidential election first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments