Eleven 11 walang balak makipag-compete sa BINI

Promising ang all female group na Eleven 11 na alaga ng House of Mentorque. Dumaan daw sila sa audition bago nabuo.

Nakatsikahan namin sila sa Barako Fest kung saan ay performer din ang grupo sa naturang event.

Magaganda ang mga dalagang ito, panalo ang boses, magaling pumitik at matatalinong sumagot. May class din silang gumalaw.

Ang kaibahan nila sa ibang grupo ay pinapairal nila ang kanilang authencity at may kanya-kanya raw silang strength. Ang iba sa kanila ay sakalam daw sa singing, dancing at acting.

Kaya na ba nilang tapatan ang BINI?

“Actually, we’re not here to compete po. We’re here for P-Pop, we’re just here for our individualities,”pakli nila.

Nabuo rin daw sila para mabigyan ng kapangyarihan ang mga kababaihan.

Sino ang gusto nilang maka-collab?

“Si Miss Sarah G,” tugon ng Eleven 11.

Bakit si Sarah?

“Grabe po kasi siyang mag-perform sa stage,” lahad nila.

Ang isang member naman ng Eleven 11 ay proud na sinabing nakasama na niya si Sarah sa billboard at wish niya na maka-collab nila ito.

Tinanong din ang showbiz crush ng bawat isa.

Binanggit nila ang pangalan nina SB19 Ken, Stell, felip, Pablo at Justin.

May K ang mga talent na ito ng House of Mentorque ni Sir Bryan Dy. Bigyan natin sila pagkakataon para ibahagi sa industriya ang kanilang

talento.
Talbog!

The post Eleven 11 walang balak makipag-compete sa BINI first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments