Letran Lady Knights 3-peat, Gia Marcel Maquilang nag-MVP uli

Sa paggiya ni Gia Marcel Maquilang, pinuslit ng Colegio De San Juan De Letran ang mahirap na 21-10, 16-21, 15-13 win kontra Lyceum of the Philippines University para kumpletuhin ang three-peat sa 100th National Collegiate Athletic Association Women’s Beach Volleyball Tournament noong Linggo ng gabi sa Subic Bay Freeport Zone sand court sa Zambales.

Tinabig nina Lady Knights Maquilang ng Batuan, Bohol at team skipper Lara Mae Silva ng La Paz, Iloilo ang rally ng Lady Pirates tungo sa paghablot ng ikatlong sunod na korona at pang-apat sa pangkalahatan sa liga.

Pagkaraan hinirang si Maquilang sa pangalawang sunod na taon bilang Most Valuable Player ng torneo. Nabuo sa CSJL squad ang utol niyang si Jogi.

Ang nagmando sa kampo na si Michael ‘Mike’ Inoferio ang Coach of the Year sa ikatlong sunod na pagkakataon.

Pagkatabla sa second set ng LPU, naging mabangis at matibay ang Letran sa 6-1 start at 9-5 lead sa decider. Naamoy ang championship point sa 14-9 edge dahil sa attack error ni Monna Banares ng Lyeum.

Pero pumalag pa ang kapitbahay ng Letran sa Intramuros na nagbanta sa 13-14 saka sinelyuhan ng atake ni Maquilang ang tagumpay sa anim na araw na kompetisyon.

Sa bronze match, alpas din ang San Beda University Lady Red Spikers nina Angel Habacon, Reyann Cañete at Katleya Molina laban sa Emilio Aguinaldo College Lady Generals, 21-17, 12-21, 15-10.

Ang EAC Generals ang kampeon sa men’s division makalipas ang pag-sweep sa College of Saint Benilde Blazers, 21-16, 21-16.

At sa juniors finale, pinatalsik ng Arellano University Braves sa trono ang namayagpag noong isang taong EAC, 19-21, 21-13, 15-12. (Ramil Cruz)

The post Letran Lady Knights 3-peat, Gia Marcel Maquilang nag-MVP uli first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments