Nanindigan ang Malacañang na hindi nila palalagpasin ang mga nagpapakalat ng fake news gaya ng ginagawa umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, mga vlogger at iba pang personalidad.
“Hindi lang po si dating Pangulong Duterte ang sasabihin nating nagpi-fake news. Lahat po ng maaari nating makita na nagsasabi ng walang basehan,” sabi ni Malacañang Press Officer Atty. Claire Castro sa panayam ni Korina Sanchez-Roxas sa primetime news ng Bilyonaryo News Channel na “Agenda”.
Kailangan aniya itama ang mga maling impormasyon na ipinakakalat sa social media.
“Ang atin naman po ay hindi natin iko-curtail, iti-trespass ang karapatan ng taong magsalita pero iba po kasi ang karapatang magsalita at iba po ang disinformation,” ayon sa kanya.
“So sa amin po, aalamin po talaga namin kung may disinformation…, magbabase po kami sa mga materyales, sa mga ebidensiya bago po namin masabi na ang sinabi ay isang fake news,” babala ni Castro.
“So pag nalaman po namin, at kumbaga na-fact check po namin na ang sinasabing ito ay fake news, yun po talaga ay aming sasagutin at ipapaliwanag sa tao na ano ba yung katotohanan at ang nagsasabi na ito ay talagang fake news maker lang po,” aniya pa. (Billy Begas)
The post Malacañang hindi sasantuhin ang mga promotor ng fake news first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments