Hindi si McCoy de Leon ang first choice sa role ng martyr priest na si Fr. Rhoel D. Gallardo sa pelikulang “In Thy Name”.
In fact, sabi ni Director Cesar Soriano, third choice na ang aktor.
Ginawa at ibinigay pa rin ni McCoy ang kanyang best to portray the role na this early, siguradong tatatak sa puso at kamalayan ng mga Pilipino.
“Akala ko hindi na ito matutuloy, nang malaman kong tuloy na, inaral ko si Fr. Rhoel. Kailangang magawa ko ito ng tama dahil makakatulong ito para mas makilala pa ng mga Filipino si Fr. Rhoel at makakatulong ito sa beatification niya. Nagpaturo ako kung paano mag-misa para mas tama ang gagawin ko,” sabi ni McCoy.
Maraming mahihirap na eksena sa pelikula si McCoy at ang pinakamahirap na ang ihian niya ang kanyang sarili at duraan siya ng plema ni Mon Confiado na gumanap sa role na si Abu Sabaya.
Naunang nabanggit ni direk Cesar ang nasabing torture scene na dapat iihian si McCoy ng mga Abu Sayyaf. Para hindi siya maihian ng iba, ang aktor na lang ang umihi sa kanyang sarili. Pero, ‘yung dura ni Mon ng plema, kay Mon talaga ‘yun.
“Ang scene na tumatak sa akin ay torture scene, ‘yung dinuraan ako ng plema ni Kuya Mon. Naiyak ako at totoo ang iyak ko, iyak ni McCoy ‘yun, hindi iyak ni Fr. Rhoel. Dumapa ako para hindi nila makita na umiyak ako, pero ang sarap sa feeling na na-sacrifice ko ang ganu’ng bagay na ang kapalit, nagawa ko ang eksenang ‘yun,” kuwento ni McCoy.
Sa nakuwento ni Mon noong kinunan ang eksenang duduraan niya si McCoy, may ubo siya at talagang may plema siya.
“Kung dura lang, hindi makikita, manipis ‘yun. Inipon ko ang plema ko at doon ko ginamit sa eksena. Long take ‘yun, take one at dalawang dura ‘yun, may close up pa, makikita niyo sa movie,” ani Mon.
Sumagot si McCoy na kailangan ang ganu’ng eksena, “bago ang eksena, nagka-konek kami ni Kuya Mon. Pinaka-rurok ‘yun kung paano ka niyuyurakan.”
Maganda ang pelikula at sa trailer pa lang, ramdam na ito. Kaya may pagmamalaki sina direk Cesar at Rommel Ruiz at ang buong cast na anyayahan ang lahat na panoorin ito kapag ipinalabas na simula March 5.
May premiere ang “In Thy Name” sa KCC Mall sa Zamboanga sa March 1, susunod ang premiere sa Cebu, Davao, Olongapo at sa SM North Edsa sa Mar. 4.
“Maganda ang pelikula, hindi lang ang eksenang inihian ko ang sarili ko at dinuraan ako ng plema. Makikita rito na ang pagpapari ay hindi biro, hindi rin pinag-iisipan, kund kusang mararamdaman. Kaya suportahan natin ito,” wika ni McCoy.
Bago magtapos ang mediacon, ibinalita ni direk Cesar na ipalalabas ang nasabing pelikula na collab ng Viva Films at GreatCzar Media Production sa Vatican sa harap ng Pope, si Pope Francis. Ipalalabas din ito sa mga simbahan, schools at ibang platform sa buong Pilipinas.
The post McCoy de Leon inihian ang sarili, dinuraan pa ng plema ni Mon Confiado first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments