Naging usap-usapan ng mga tsismosang kapitbahay ang naging pagtatapat ni Sam Milby kay Boy Abunda hinggil sa naging breakup nila ni Catriona Gray.
May mga nakisimpatiya sa aktor kahit bitin pa sila kung ano talaga ang tunay na ugat ng paghihiwalay ng dalawa.
Nang maging emosyonal ang aktor lalo na nang aminin nitong mahal pa niya ang beauty queen, maraming netizen ang nahabag sa kanya.
May mga naka-relate rin kay Sam nang sabihin nitong hindi pa siya nakaka-move on sa relasyon nila ni Cat na nauwi sa splitville.
On the other hand naman, after ng naging pagtatapat ni Sam, tila dedma lang ang beauty queen sa naging rebelasyon ni Sam.
Sobrang naging abala ito sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin sa kanyang chosen charities at sa pagkarir bilang host sa kanyang podcast kasama si Nicole Cordoves.
Lately, sighted naman siya na um-attend sa recognition day ng BIR bilang isa sa top taxpayers of Quezon City.
Naging aktibo rin siya sa live selling para matulungan ang foundation na kanyang binibigyan ng ayuda.
Sa isang portal naman, pinag-uusapan naman ang development na ito.
Ito ang ilang hirit ng kibitzers.
“Bising-bisi siya sa kanyang advocacies. Parang di siya apektado sa naging pagtatapat ni Sam.”
“I believe, mahal pa rin niya si Samuel pero whatever o kung ano man ang cause ng kanilang breakup, sana both of them could heal in time.”
“Back to work muna ang crying lady.”
“Work is the best therapy to mend a broken heart.”
“Sana may second chance pa ang dalawa.”
“Dedma lang si teh.”
“Sana may pag-asa pa na magkabalikan sila.”
“Nakapanghihinayang lang kasi perfect couple sila for each other.” (Archie Liao)
The post Catriona Gray ‘dedma’ sa emote ni Sam Milby first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments