Malabo ang balikan kay Danie Padillal? Kathryn Bernardo may ‘dyowa’ na

Mahigit isang taon after her break-up with Daniel Padilla, may bago na raw pag-ibig si Kathryn Bernardo.

Ito ang latest pasabog ni Ogie Diaz sa kanyang vlog na “Ogie Diaz Showbiz Updates.”

Simulang tsika niya, totoo raw na nagkaayos na sina Kathryn at Daniel pero malabo na magkabalikan.

“Ang sabi sa akin, eh, imposibleng maging si Daniel at si Kathryn. ‘Eto nga, kasi, kung single pa rin si Kathryn, pwedeng magkaroon ng possibility na kung liligawan ulit siya ni Daniel, ‘di ba?” aniya.

Pero hindi na nga raw single si Kathryn.

“Ang tsika sa akin ay taken na raw si Kathryn,” pagre-reveal ni Ogie.

Nagulat naman ang co-host niyang si Mama Loi at tanong niya, “in a relationship na?”

Sagot ni Papa Ogs, “yes, mayroon na raw nagmamay-ari ng puso ni Kathryn?”

Sabi naman ni Mama Loi, “really??? Da who???”

Sey naman ng talent manager/online host, “ang sabi sa akin, ha, ang nagmamay-ari ng puso ni Kathryn ngayon ay walang iba kungdi si non-showbiz.”

Dagdag pa niya, “na-interview na niya ang guy nang one on one.”

Kasunod nito ay ini-reveal niya na young politician daw ito.

“Actually, noon pa. Naibalita na natin dito na nali-link si Kathryn sa isang politician na na-interview ko na, at the same time, naging estudyante ko sa Ogie Diaz Acting Workshop,” saad ni Ogie.

“Ah ‘yung gwapo!” sabi naman ni Mama Loi.

“Yes, si Mayor Mark Alcala ng Lucena City,” pagbubunyag ni Papa Ogs.

Ibinahagi rin niya na last year of July ay nagpadala siya ng chat message sa nasabing politiko kung totoong nanliligaw ito kay Kathryn at hindi raw ito sumagot.

“So true nga?” tanong niya ulit pero hindi raw ito sumagot uli.

“So, kinonclude ko na, ‘ah, so nanliligaw nga si Mayor,’ hindi siya sumagot.”

Kung kelan naging sila, ang sabi raw ng kanyang source ay either November or December.

“Eh nung Nov. 13, ipinalabas ang ‘Hello, Love, Again,’ siyempre kung ako si Mayor Alcala, eh hindi ako papasok sa eksena, kasi ano pa ‘yan, eh, KathDen ‘yan, eh,” aniya.

Ang sabi pa raw sa kanya ng source niya, minsan daw ay si Mayor ang pumupunta sa Manila para magkita sila ni Kathryn, minsan naman ay ang aktres daw ang nagpupunta sa Lucena.

Pero duda si Ogie dahil napakahusay naman daw magtago ng dalawa dahil hindi raw napapabalita at hindi rin nakukunan ng larawan na magkasama.

“Walang resibo,” ani Ogie.

Pero nilinaw naman niya na hindi naman daw ito confirmed at basta ito lang ang nakarating sa kanya base sa kanyang source.

May isang taga-Lucena naman na nagsabing sa tingin niya ay nagde-date-date lang sina Kathryn at Mayor at hindi siya naniniwalang magdyowa na.

Well, panahon ang makapagsasabi kung totoo ito dahil sabi nga, lalabas at lalabas din ang katotohanan.

Bukas naman ang Abante Tonite para sa anumang paglilinaw o pahayag nina Kathryn at Mayor Alcala.

The post Malabo ang balikan kay Danie Padillal? Kathryn Bernardo may ‘dyowa’ na first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments