Umangas si Dawn Macandili-Catindig sa Cignal upang kaldagin ang Capital1, 25-21, 22-25, 25-17, 25-15 sa 8th Premier Volleyball League All-Filipino Conference 2024-25 play-in nitong Biyernes ng gabi sa PhilSports Arena sa Pasig.
Nagrehistro siya ng 18 excellent digs at 7 excellent receptions upang bidahan ang HD Spikers na ilapit sa sa quarterfinals at tangayin ang Best Player of the Game sa paliga ng Sports Vision Management Group Inc. na hatid ng Watsons.
Matapos ang dikdikang labanan sa sets 1 at 2 biglang bumangis ang HD Spikers sa set 3 at nilamang nang malaki ang Solar Spikers, 25-17, pinuhunan na rin sa fouth stanza iyon para makatayo mula sa masaklap na qualification 4-set upset loss kontra Galeries Tower noong Feb. 22.
“Masaya kaming ma-regain ang confidence namin, at sana madala namin sa mga susunod na laban. Tiawala lang sa isa’t-isa,” bulalas ni Macandili-Catindig.
Si Vanessa ‘Vanie’ Gandler ang top scorer sa winning squad sa 21 samantalang bumakas si Roselyn Doria-Aquino ng 18 sa torneong pwedeng panoorin sa Pilipinas Live, RPTV, One Sports, One Sports+, at pvl.ph.
Naging madali na rin para sa Cignal ang pagsilo ng panalo sa set 4 sa event na mga sunusuportahan ng Arena Plus, Fabriano Appliances, Milcu, iColor & Argan Beauty, Tapa King, Sport Radar, at Mikasa. Sisiguruhin ang Cignal ng playoff spot pagharap sa ZUS Coffee sa Martes ng alas-6:30 ng gabi.
Kinapos pa rin para sa Capital1 ang pinagsamang 24 iniskor nina Trisha Tubu (12) at Leila Cruz (12) sa must-win situation nila sa natitirang dalawang laro upang manatili sa kontensiyon sa huling dalawang silya sa quaretrfinals sa yuigto ito.
Kahit nagka-28 unforced errors kontra sa 22 lang ng Solar Spikers – dinomina pa rin ng Cignal ang stats sa 1 oras at 58 minutong hambalusan. Nangibabaw sila sa attacks (63-45), blocks (6-2), at aces (6-3), giniit ang mas maangas na depensa. (Elech Dawa)
The post Dawn Macandili-Catindig walastik, HD Spikers pinutulan Solar Spikers first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments