Inanunsiyo ng lokal na pamahalaan ng Pasay City na suspendido ang face-to-face classes sa lungsod ngayong Huwebes, Marso 6, sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan.
Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, ang kanilang desisyon ay batay sa rekomendasyon ng Disaster Risk Reduction and Management Office ng lungsod
Pinayuhan ang mga paaralan na maaaring gumamit ng alternatibong paraan ng pagtuturo batay sa kakayanan nito at ng mga mag-aaral.
Sinuspinde ang face-to-face classes dahil sa inaasahang pagtaas ng heat index sa susunod na dalawang araw.
Kaugnay nito, pinaalalahanan din ang publiko lalo na ang mga mag-aaral na manatiling hydrated, uminom ng maraming tubig, magsuot ng maninipis o preskong damit, at huwag munang lalabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan.
The post Mayor Emi Calixto-Rubiano sinuspinde face-to-face classes sa Pasay City first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments