Nagbabala ang mga awtoridad sa The Hague, Netherlands laban sa pagtitipon ng mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y matapos ang paulit-ulit umanong paglabag ng mga ito sa local regulations kaugnay ng kanilang pagtitipon-tipon sa labas ng International Criminal Court (ICC).
Nabatid na isang grupo ng mga tagasuporta ng dating pangulo ang nag-`picnic’ para ipagdiwang ang ika-80 kaarawan ni Duterte.
Pinagsabihan sila na manatili lang sa isang lugar sa labas ng ICC ngunit napansin umano ng Dutch police na lumagpas ang mga ito hanggang sa bicycle lanes dahilan para magalit ang mga awtoridad sa lugar gayundin ang mga Dutch cyclist.
Ayon kay Joel Vega, isang Pinoy na naging Dutch citizen, itinuturing na “sagrado” ang bicycle lanes sa Netherlands na hindi puwedeng harangan ng ibang tao.
Maraming tagasuporta ni Duterte ang dumating sa naturang pagtitipon para sa kanyang kaarawan kung saan may ibang nanggaling pa umano sa Norway at Germany para ipakita ang kanilang pagmamahal sa dating pangulo.
Dumating din sina dating presidential spokesperson Harry Roque at Senador Robin Padilla.
Nilinaw naman ng mga awtoridad na ang ibinigay na permit ay para sa `picnic’ at hindi sa isang pagtitipon na may kinalaman sa politika.
Nagbabala ang Dutch police na maaaring pagmultahin o kaya naman patawan ng kaukulang aksyon ang grupo ng mga Duterte supporter kapag nagpatuloy silang hindi sumusunod sa local regulations.
The post Dutch police sinita mga Duterte supporter sa labas ng ICC first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments