Guido Van Der Valk kinapitan 1 palong lamang sa ICTSI golf

Nakipagbuno si Guido Van Der Valk sa nakakapanghinang girian sa backside na sumukat sa tibay sa isipan ng mga contender, kinapitan pa rin ang karampot na bentaheng one-stroke kahit nag-75 sa ICTSI Eagle Ridge Championship third round sa Gen. Trias, Cavite nitong Miyerkoles ng hapon.

Sa nilukuban ng malalakas na hangin at pabago-bagong Faldo Course, apat na bogey at walang birdie ang naging pagtapos ng Manila-based Dutchman na hindi pa rin natinag sa tuktok sa P2 million men’s golfest, nagsisilbing 17th Philippine Golf Tour 2025 Leg 2 na inoorganisa ng Pilipinas Golf Tournaments Inc.

“Whew, I’m tired,” sigaw ni Van Der Valk sa kanyang kinauupuan makaraan ang pagkasunog ng katawan at isipan sa nakakasaid ng lakas na yugto na kumalog sa leaderboard kahit sa huli’y bahagya lang na balasa.

Mayroon siyang 54-hole aggregate 221, na sinusundan ni Sean Ramos sa 222 tapos ng 3-over 75. Isa palo lang ding iwan si Lloyd Jefferson kay Ramos na may 223 makaraan ang 76.

Samantalang halos intact ang karamihan sa mga nasa taas, bumalik si Angelo Que sa kontensiyon na nagbanta sa nakakalito, maigting na labanan. Bumwelta ang Pradera Verde leg winner sa rambol sa titulo sa matapang na eagle-aided 72 at sosyohan sa tersera si Go.

Ang momentum ang naglagak sa kanya na mapanganib pa rin pa-final round ngayon (Huwebes), na rito’y, nerbiyos, tibay at kaunting suwerte ang magdedessisyon para sa magigibg kampeon. (Ramil Cruz)

The post Guido Van Der Valk kinapitan 1 palong lamang sa ICTSI golf first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments