Ibinunyag ni Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director Major General Nicolas Torre III na ayaw sumama ng partner ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands kaya’t kinailangang palitan ang flight manifest noong Marso 11.
“Ang first choice namin du’n si Honeylet [Avanceña] pero ayaw sumama. So pumili kami ng isang abogado,” wika ni Torre sa panayam ng mga reporter.
“Ang nag-volunteer nga si ES Medialdea,” dagdag niya na ang tinutukoy ay si dating Executive Secretary Salvador Medialdea.
Saad pa ni Torre, kaya naantala ang flight ni Duterte patungong Netherlands dahil nagpalit pa ng manipesto.
“Nagpalit ng manifest dahil ang nakasulat sa manifest si Honeylet eh. Ayaw lumipad ng eroplano, ayaw lumipad ng mga piloto kung hindi tama ang manifest kasi lisensiya naman nila ang nakataya du’n. Unauthorized passenger ‘yun ‘pag nagkataon,” aniya.
Inihatid ang dating pangulo sa Netherlands upang humarap sa paglilitis ng International Criminal Court kaugnay ng umano’y crimes against humanity for murder sa kanyang `war on drugs’. (Issa Santiago)
The post Honeylet Avanceña binuking ni General Torre na ayaw sumama kay Duterte sa The Hague first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments