Kasong korapsiyon isinampa sa Ombudsman: Ex-Mayor Oreta yar isa P22.4M naglahong e-trike

Nahaharap sa kasong katiwalian at pag-abuso sa kapangyarihan sa Office of the Ombudsman si dating Malabon mayor Antolin Oreta III dahil sa nawawalang 42 units ng e-trike na umaabot sa halagang P22.4 milyon.

Ang dating alkalde ay ipinagharap ng kaso sa Ombudsman dahil sa paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

“Causing any undue injury to any party, including the Government, or giving any private party any unwarranted benefits, advantage or preference in the discharge of his official administrative or judicial functions through manifest partiality, evident bad faith or gross inexcusable negligence. This provision shall apply to officers and employees of offices or government corporations charged with the grant of licenses or permits or other concessions,” saad sa naturang probisyon ng batas.

Nag-ugat ang kaso sa sumbong ng isang tricycle driver na hindi naipamahagi nang tama ang 175 e-trike na bigay ng Department of Energy (DOE) sa lungsod noong 2019.

Batay sa reklamo sa Ombudsman ng tricycle driver na si Romeo R. Dimaunahan ng Barangay Longos, Dagat-dagatan, Malabon City, sa 175 units ng e-trike ay hindi malinaw kung saan napunta ang 42 units nito.

Base sa dokumento mula sa General Services Department (GSD), sa orihinal na bilang ng e-trike ay 125 units ang dapat mapunta sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) habang ang 50 unit ay gagamitin sa “Tricycle Tours” ng Malabon Tourism Office.

Subalit nang silipin ang records, 133 units lamang ang nabigyan ng tamang papeles at hindi na mahanap ang 42 pang unit ng e-trike.

Bagamat nakasaad sa City Resolution No. 92-2019 na may awtoridad si Oreta na pumirma sa kasunduan para sa e-trike beneficiaries ay hindi ito ang lumagda kundi ang chairperson ng E-Trike Fleet Management Committee na si Estelito Peniano Jr.

Batay pa sa reklamo, bawat e-trike ay nagkakahalaga ng P533,000.00 kaya umaabot sa P22.4 milyon ang nawawalang 42 units.

“Hindi lang ‘to simpleng kapabayaan. Para itong sindikato na may nakinabang sa proyekto habang may mga lehitimong drayber na nasagasaan,” ayon pa sa reklamo.

Samantala, wala pang tugon sa Abante Tonite si dating mayor Oreta sa ibinabatong akusasyon ng tricycle driver.

Sa Facebook post ng isang Papa Cong Lenlen ay minarkahang fake news ang isinampang kaso ng tricycle driver. (Just Ignacio)

The post Kasong korapsiyon isinampa sa Ombudsman: Ex-Mayor Oreta yar isa P22.4M naglahong e-trike first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments