Naglaan ang gobyerno ng P2 milyong pabuya sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon o makakahuli sa mga suspek sa pamamaril at pagpatay sa tatlong biktima sa San Rafael, Bulacan.
Ito ang inihayag ni PBGen Jean Fajardo ng PNP Region 3, nitong Lunes ng hapon, March 24.
Ayon kay Fajardo, “May P2M tayong nakalaan bilang gantimpala para sa sinumang makapagbigay ng impormasyon ukol sa mga suspek na magdadala sa kanilang agarang pagkakaaresto.”
Naganap ang insidente noong Biyernes, habang nasa loob ng SUV ang tatlong biktima.
Binangga sila ng itim na SUV at pinaputukan gamit ang automatic armalite.
Agad na namatay ang nagmamaneho at ang pasahero sa harapan habang ang babae sa back seat na sinasabing nobya ng huli ay naisugod pa sa ospital ngunit kalaunan ay pumanaw din.
May mga lead na ang pulisya sa mga posibleng suspek at tinitingnan din ang posibilidad na may kaugnayan ang pananambang sa politika, dahil ang isa sa mga biktima ay dati umanong consultant ng mga kilalang political figures. (Gracie Rutao)
The post P2M pabuya vs Bulacan ambush suspects first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments