Buwanang P29 per kilong bigas sa mga senior, PWD, solo parents dinagdagan pa

Nagpasya ang Department of Agriculture (DA) na gawing triple ang buwanang alokasyon ng murang bigas para sa tinatawag na `vulnerable sectors’ sa ilalim ng P29 program ng administrasyong Marcos.

Sa ilalim ng bagong polisiya ng DA para sa P29 per kilo rice program, pinapayagan nang bumili ng hanggang 30 kilong bigas kada buwan ang bawat benepisyaryo nito.

Kabilang sa mga benepisyaryo ng murang bigas ang mga senior citizen, person with disability, solo parents at mga mahihirap na pamilya.

Inanunsiyo ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa ginanap na Serbisyo Caravan sa Dasmariñas, Cavite noong Biyernes, Marso 23, ang bagong polisiya na ipatutupad agad sa buong bansa.

Maaaring makabili ng P29 bigas sa mga Kadiwa ng Pangulo store at centers.

Inilunsad ng DA ang P29 program noong buwan ng Hulyo 2024 para makabili ng murang bigas ang mga nasa `vulnerable sector’.

The post Buwanang P29 per kilong bigas sa mga senior, PWD, solo parents dinagdagan pa first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments